Ang PESO EC Access ay isang programang handog ng bagong Halal na Punong Bayan- Mayor Aurora Guzman Taay upang maipa-DAMA, mapalakas at mapalapit ang programa ng PESO sa mamamayan ng Dingalan sa pamamagitan ng pag gamit ng modernong teknolohiyang ginagamit ng karamihan. Bilang isa sa prayoridad na programa sa ilalim ng DAMA ang CHANGE-Y agenda, nilalayon na mailunsad ang programang ito sa UNANG ISANG DAANG araw ng kanyang panunungkulan bilang Punong Bayan.
Ang lahat ng programang hatid ng PESO gaya ng TUPAD, Cash for Work, SPES, OFW Database, TOL, Financial Assistance, pagpapatala sa PEIS at SRS para sa Job Placement at iba pa ay maaari ng maiapply at maiupdate sa pamamagitan ng PESO EC Access. Malalaman din sa programang ito kung ikaw ba ay qualified o di kaya’y malalaman din ng Lokal na Pamahalaan kung sino pa sa bawat pamilya sa ating Bayan ang hindi naaabot ng Serbisyo at Programa ng PESO.
Bilang isang Pilot Program tungo sa LGU Digitalization, ang Tangapan ng PESO ay siyang nagpasimula at nagdedevelop ng application upang awtomatiko maitala sa Dingalan Family Access Card ang lahat ng programa at serbisyong natatangap ng bawat pamilya at individual sa aming Bayan.
Sa PESO Dingalan– Positibong maipapaDAMA ang Agresibong pagbibigay serbisyo gamit ang Progresibong application tungo sa isang MATATAG na DINGALAN.
We use cookies to improve your experience on our site. By using our site, you consent to cookies.
Manage your cookie preferences below:
Essential cookies enable basic functions and are necessary for the proper function of the website.
These cookies are needed for adding comments on this website.