Ang OFW sector ay isa sa pinahahalagahang sektor ng ating Pamahalaang Lokal sa pangunguna at mandato ng ating Punong Bayan Aurora G. Taay.
MAEDUP DINGALAN! Paalala po para sa mga nais mag-Abroad. Hindi lang pasaporte ang kailangan, kailangan ding handa ang puso, isip, at pananaw.
1. Siguraduhin ang Desisyon. Hindi biro ang mag-abroad. Tanungin ang sarili: – Para kanino ba ang desisyong ito? – Handa ka bang malayo sa pamilya? – Alam mo ba at kakayanin ang trabahong pinasukan mo? – Naiintindihan mo ba ang mga sakripisyong kaakibat nito?
2. Mag-research at Magtanong. Alamin ang kultura, batas, at kalagayan ng bansang pupuntahan. Makipag-usap sa dating OFWs, magtanong sa PESO, at huwag mahiyang humingi ng gabay.
3. Piliin ang Legal at Ligtas na Paraan. -Iwasan ang shortcut. -Iwasan ang “madaliang alis.” Makipag-ugnayan sa PESO, OWWA o Department of Migrant Workers (DMW) para sa tamang proseso.
4. Maghanda Hindi Lang sa Trabaho, Kundi sa Buhay – Paano kung malungkot ka? – Paano kung may problema sa employer? – Paano kung gusto mong umuwi? Alamin ang mga support system, emergency contacts, at mga ahensyang handang tumulong.
5. Tandaan: Hindi Ka Nag-iisa -Mag-iwan ng KOPYA ng mga dokumento katulad ng passport, kontrata, at recruitment agency contact details. Ang PESO Dingalan ay katuwang mo mula sa paghahanda hanggang sa pagbabalik